Biyernes, Pebrero 27, 2015

Salamat sa inyo...Kayo ang Boss ko!

Dear Berdeng Diary,

May mga panahon na pakiramdam mo ay nag-iisa ka, maraming mga tao sa paligid, may mga kamag-anak, kaibigan o mga taong malapit sayo pero parang nag-iisa ka padin. Sabi nga nila lahat ng tao ay may kanya-kanyang dalahin at pasanin pati narin mga sekreto na nakatanim sa kailaliman ng puso na animoy darating ang araw na ito ay tutubo at lalago. At kapag nangyari iyon, ay hindi mo na maiwasang ito ay yumabong at lumago hanggang maging hayag na sa lahat ang yong tinatago.

Malaki ang respeto at tiwala ng mga taong nasa paligid ko. Matataas ang kanilang mga hangarin at tiwala sa kakayanan ko lalo na ang pamilya. Sila ang laging nasa unahan, prioridad at tanging lakas ko para magtagumpay sa buhay. Hindi na lingid sa akin ang kahirapan, sanay na ang katawang lupa ko sa ibat-ibang uri ng paghihirap noong ako ay musmos palamang at kahit naman ngayon ay dinaranas ko padin.

Para matugunan ang pangangailangan ng pamilya at matustusan ang pag-aaral (kasalukuyan na akong 2nd yr college sa isa sa mga kolehiya ng Maynila) kailangan kong gumawa ng paraan para matustusan ito. Isa lang ang tanging paraan para kumita ng pera na ikaw mismo ang hahawak ng oras... ang pagiging Masahista (yun ang naisip ko) May kakayanan naman akong magmasahe dahil nakapag-aral ako ng Massage Therapy.

Ito na ang naging tinapay at mantikilya ko. Kahit sinong gustong magpamase at humingi ng dagdag serbisyo kapalit ang pera ay malugod kong tinatangap para lamang maitaguyod ang pangangailangan. Ako ang panganay sa pitong magkakapatid, kaya gampanin ko na maitaguyod ang pamilya dahil wala ng ibang maasahan ang nanay. (nag-hiwalay sila ni tatay simula nang ako ay anim na taong gulang at hindi rin naging swerte si nanay sa pangalawa nyang naging asawa na iniwanan siya ng apat na anak.)

Patuloy parin ang buhay, buhay masahista para sa mga kliyenteng hanap ay maibsan ang sakit ng katawan at mapalwag ang nararamdaman, isama pa natin ang tawag ng laman. Habang hindi pa ako tapos sa aking lakbayin tanging ang kaagapay ko lamang ay ang aking determinasyon na siyang nagbibigay sa akin ng lakas para magpatuloy. Magpatuloy sa mga pangarap na nais kong maabot sa tulong ng mga ibat-ibang taong hangad ay masahe at dagdag na serbisyo.Salamat sa inyo...Kayo ang Boss ko!

Alam kong darating ang araw na maihahayag sa pamilya ko ang ganitong uri ng gawain. Handa ba ako pag nangyari yuon? Ikakahiya ko ba ang sarili ko dahil sa gawaing hindi dapat sa mata ng mga tao at sa mata ng Dyos? Masisisi ba nila ako kung bakit ko ito nagawa? Matatanggap kaya ako ng pamilya sa kahihiyang dulot nito? Ilan lang yan sa mga katanungan sa sarili ko na hanggang ngayon ay wala apring kasagutan. Wala akong masabihan na kahit sino dahil sa gawain ko. Buntong-hininga lamang ang tanging magagawa ko at pagnasobrahan sa pag-iisip ay di ko namamalayan ang pag patak ng luha, pigilan ko man ay hindi ko rin kaya. "Kaya mo yan" madaling sabihin pero mahirap panindigan. Berdeng Diary isa ka sa paraan para mabawasan ang sobrang bigat ng pasanin ko.













Walang komento:

Mag-post ng isang Komento